Salpukan ng Van at Motorsiklo, Isa Patay!

*Quezon**,** Isabela**- *Patay sa pagamutan ang isang motorista nang sumalpok sa kasalubong na van ganap na alas onse kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Arellano, Quezon, Isabela.

Kinilala ang nasawi at driver ng Honda TMX 155 na si Ronal Rosario, 54 anyos, residente ng Brgy. Abut, Quezon, Isabela habang ang suspek at driver ng Toyota Hi Ace Van ay si Paul Maddela, 53 anyos, residente naman ng Solano, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), magkasalungat na binabaybay ng biktima at suspek ang lansangan nang bigla umanong umagaw sa linya ng van ang biktima na dahilan ng kanilang banggaan.


Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na isinugod pa sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Dinala naman sa himpilan ng PNP Quezon ang driver ng Van para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments