SALT PRODUCTION NA ITATAYO SA BAYAN NG BOLINAO, INIHAHANDA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Isang paghahanda sa nagbabadyang kakulangan ng produksyon ng asin sa lalawigan, naghahanda na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan matapos ang isinagawang Memorandum of Agreement para sa Interim Management ng foreshore area para sa Salt Production sa bayan ng Bolinao, nina Gov. Guico III at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno ni Atty. Ricky Arzadon, Chief of Staff, Office of the Undersecretary for Field Operations and Environment ng DENR Central Office.
Layunin ng proyektong makapagbigay ng patuloy na produksyon ng asin, gayundin ang makapagbigay ng seguridad sa pagmamay-ari ng humigit-kumulang 400 displaced salt-workers sa nasabing bayan at lahat ng mga kinakailangang nakapaloob dito.
Tinatayang nasa humigit-kumulang 473.880 na ektarya ng foreshore land ang para sa Salt Production na matatagpuan naman sa Barangay Zaragoza, Bolinao, Pangasinan.

Dinaluhan naman ito ng DENR Regional Office I, PENRO – Pangasinan, City Environment at CENRO – Alaminos representatives. |ifmnews
Facebook Comments