Itinutulak ngayon ng grupo ng mga community bakers ang pagbabalik ng traditional na “salty” pandesal.
Ayon kay Asosayon ng Panaderong Pilipino (APP) President Lucito Chavez, ito ay bilang tugon sa mataas na presyo ng asukal sa mga pamilihan dahil na rin sa kakulangan nito sa bansa.
Aniya, mas mura ang production cost kung ikokonsidera ang recipe ng salty pandesal.
Nabatid na ilang maliliit na paniderya sa bansa ang napilitan ng nagsara dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng asukal at iba pang mga sangkap na gamit sa paggawa ng pandesal.
Kaya naman sinabi ni Chavez na isa rin sa mga nakikitang solusyon ng industriya ng maliliit na magpapandesal ay ang nabawasan ang laki ng pandesal kung saan mula sa dating 40% ay nasa 19% na lamang.
Facebook Comments