Salu-salo sa kaarawan ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas, wala raw paglabag sa umiiral na ECQ ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa

Walang nakitang paglabag si PNP Chief General Archie Francisco Gamboa sa ginawang salu-salo sa birthday ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas sa Camp Bagong Diwa nitong nakalipas na May 8.

Ginawa ni Gamboa ang pahayag matapos kumalat ang mga larawan nang birthday party ng Heneral kung saan makikitang magkakatabi habang nakaupo sa isang table at kumakain sina Gen. Sinas at kanyang mga bisita.

Makikita rin sa larawan ang pagbabatian gamit ang kanilang kamao.


Ayon kay Gamboa, walang nangyaring party sa kaarawan ni Gen. Sinas sa halip mañanita lang ang nangyari pero na observe naman daw ang social distancing.

Samantala, aalamin naman ni Gamboa kung nasunod ang social distancing nang mamigay nang relief goods si Gen. Sinas sa mismong araw nang kanyang birthday sa mga residente ng Barangay 105 sa lungsod ng Maynila.

Makikita rin sa mga kumalat na larawan na tila nagkagulo at nagkumpulan ang mga tao nang gawin ng Heneral ang pamimigay ng relief goods.

Sinabi ni Gamboa, kahit mahirap ang ginagampanang trabaho ngayon ni Gen. Sinas hindi ito excuse sakaling lumabag sa mga umiiral na quarantine protocols.

Si General Sinas ay nagdiwang nang kanyang ika-55 taong kaarawan nitong May 8.

Facebook Comments