Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) na bumaba ang naitala nilang fireworks-related injuries ngayong Holiday season.
Kung ikukumpara sa nakalipas na panahon, mula December 21, 2017 hanggang January 1, 2018, bumaba ng 68 % ang naitala ng ahensya na mga naputukan.
Ito na rin ang maituturing na pinakamababa na kaso sa nakalipas ng 5 taon (2012-2016).
Sa kabuuan umabot lang sa 191% ang mga nabiktima ng paputok. Gayunman, wala naman naitala ang ahensya na casualties at fireworks ingestion maliban na lang sa 1 kaso ng stray bullet sa Caloocan City na kinumpirma ng Philippine National Police (PNP).
Karamihan sa mga naputukan na naitala ng DOH ay galing sa National Capital Region (NCR) na binubuo ng 115 na kaso o katumbas ng 60%.
Sinundan ng Western Visayas na may 15, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region na may tig-13 kaso.
Mayorya naman sa mga naging biktima ang lalaki na nasa 84% habang 64% o katumabas ng 123 kaso ay active users.
Nanguna naman sa mga site of injury o tama ng mga naputukan ay sa kamay, mata, ulo, noo/braso, binti at dibdib.
Pinsalamatan naman ng ahensya ang Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kanilang paniwala ay malaki ang naitulong para bumaba ang bilang ng mga naputukan.