SALUBONG SA 2018 | Light and sound show ng Burj Khalifa sa Dubai, trending!

Dubai – Trending ngayon sa social media ang ginawang pagsalubong sa Bagong Taon ng mga namamahala ng isa sa pinakamalaking building sa buong mundo.
Nabatid na umaabot sa 5,000 views sa twitter ang ginawang Light and Sound show sa Burj Khalifa na matatagpuan sa Dubai, UAE sa pagsalubong nito sa Bagong Taon .
Nabatid na sa halip na magsagawa ng fireworks display, naisipan ng management ng Burj Khalifa na idaan ito sa kakaiba at unique na light and sound show na nasaksihan ng libo-libong katao noong mga oras na iyon.
Dahil dito, nasungkit nila ang kauna-unahang record sa Guinness World ngayong 2018 na *“*largest light and sound show on a tallest building.”

Facebook Comments