Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng fireworks related injuries ngayong taon.
Sa press conference sa East Avenue Medical Center sa Quezon City, inihayag ni Health Secretary Francisco Duque na umabot ng isang daan at siyam naput isa (191) ang mga biktima ng paputok, simula noong Disyembre 21, 2017 hanggang ngayong araw, January 1, 2018.
Mas mababa aniya ito ng 77% sa loob ng limang taong simula noong 2012.
Mayorya ng mga nabiktima ng paputok ay mula sa National Capital Region (NCR) na sinundan ng Western Visayas, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.
Ayon kay Duque – ang paputok na piccolo pa rin ang nananatiling nangunguna sa mga dahilan ng insidente ng naputukan.
Kinumpirma din ni Duque na walang naitalang namatay dahil sa paputok at wala ring kaso ng firecrakers ingestion.