SALUBONG SA 2018 | Selebrasyon, generally peaceful – PNP

Manila, Philippines – Generally peaceful ang naging selebrasyon sa pagsalubong ng taong 2018, ito ang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director General Oscar Albayalde.

Bagamat may naitala pa ring mga insidente, ayon kay Albayalde kung ikukumpara naman noong nakaraang taon, hindi hamak na mas mababa pa rin ang bilang ng naitala nilang kaso ng injuries, incidents at stray bullets.

Sa usapin naman ng mga nasangkot sa indiscriminate firing, ayon kay Albayalde, pinamamadali na ni Chief PNP General Ronald Dela Rosa ang pagpoproseso ng administrative case ng mga ito, upang agad na masibak sa serbisyo.


Ito ay bilang pagtalima na rin sa una nang ibinabala ng PNP bago ang 2018, na mag papatupad ng “No Mercy” sa mga masasangkot sa indiscriminate firing.

Facebook Comments