Manila, Philippines – Dalawa ang nangyaring sunog sa bahagi ng Maynila kaninang bisperas ng bagong taon.
Unang nasunog ang isang residential area sa Sta. Rosa Street Barangay 19 Zone 2, Tondo, Maynila kung saan itinaas sa ikatlong alarma ang sunog habang isang commercial building naman sa Alvarado Street Binondo Maynila ang inaapula ng mga bumbero.
Ayon sa mga residente, paputok ang posibleng sanhi ng sunog.
Sa bahagi naman ng Pasig ay umabot sa ika-apat na alarma ang sunog sa isa ring residential area sa Katarungan Street Barangay Caniogan na kalaunan ay naapula rin.
Ngunit isang 58 taong gulang na lalaki naman ang naitalang patay sa bahay nito sa Suarez Ville ng nasabing lungsod dahil sa sunog na umabot sa unang alarma.
Idineklara namang fireout ang sunog sa barracks ng isang construction company sa Barangay Bagbag, Quezon City,
Ayon sa mga otoridad, wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa nangyaring sunog ngunit aabot sa ₱50,000 ang halaga ng ari-arian na natupok.
Dito naman sa Guadalupe, Viejo Makati City, isang junk shop ang naitalang nasunog ngunit agad naman narespondihan ng mga otoridad.