Manila, Philippines – Pitong firecracker zone ang itinalaga ng Eastern Police District (EPD).
Sa mga lungsod na nasasakupan ng Eastern Police District, tanging sa Mandaluyong City lamang nagtalaga ng mga firecracker zones.
Kabilang dito ang Gen. Kalentong sa tapat ng Market Place, Barangay Pag-Asa, kahabaan ng Coronado St. sa tabi ng Pasig River, Barangay Hulo, Vida Court at Labasan Court sa Barangay Barangka Ibaba, sa kahabaan ng Riverside MRR Tract St., Barangay Baranka Ibaba sa tapat ng Barangay Hall, Barangay Baranka Ilaya at sa tabi ng Pasig River.
Mayroon ding community fireworks display zone: Linear Park, Barangay Vergara.
Samantala, walang firecracker zone sa Marikina ngunit may dalawang community fireworks display zone sa Marikina Sport Complex at sa River Banks.
Wala ring firecracker zone sa San Juan ngunit itinalagang community fireworks display zone ang Pinaglabanan Shrine.