Baguio City – Lalong tumindi ang daloy ng trapiko sa Baguio City dahil sa pagdagsa ng mga turistang namamasyal at sasalubong sa Bagong Taon.
Bagaman walang abiso ng mga alternatibong ruta, pinaigting na ng mga traffic enforcer ang kanilang pagbabantay sa mga kalsada.
Kasabay nito, iginiit ni Baguio City Police S/Supt. Ramil Saculles, na tumaas ang bilang ng krimen sa lungsod dahil dumarayo na rin ang mga masasamng loob.
Karaniwang sa mga tumaas na krimen sa baguio ay ang physical injury, nakawan, pananalisi at pandurukot.
Paalala naman ng mga otoridad na iwasang magdala ng mga mamahaling gamit at maging vigilante.
Facebook Comments