Manila, Philippines – Tinukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga lugar na maaaring gamitin ng mga residente sa pagpapaputok ng firecrakers sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay QCPD PCSupt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang mga fire cracker zones, ayon pa kay Eleazar ay nasa 53 Barangay mula sa kabuuang 142 Barangay sa lungsod at tinukoy ito ng bawat police station na nakakasakop sa lugar.
Maaaring makipag-ugnayan na lamang ang mga barangay officials sa pulisya para alamin ang eksaktong lugar sa kanilang barangay na maaaring gamitin ng mga residente sa kanilang pagpapaputok ng firecrackers sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Binalaan din ni Eleazar ang mga residente na aarestuhin kapag nahuli na nagpapaputok ng firecrackers sa mga lugar na hindi sakop ng firecracker zone.
Tiniyak ni Eleazar na mas hihigpitan ng pulisya ang pagbantay at paghuli sa mga lumalabag sa batas sa paputok kasama na ang mga magpapaputok ng baril.