Manila, Philippines – Hihigpitan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbabantay at paghuhuli ng mga lumalabag sa batas laban sa illegal na paputok.
Kasama ring babantayan ng otoridad ang mga magpapaputok ng baril sa pagsalubong sa bagong taon .
Layunin ni Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar na makamit ang target na zero casualty o mabawasan man lamang ang mga namamatay at nasusugatan at napipinsala ng paputok tuwing sasalubungin ang Bagong Taon.
Nagpaalala si PCSupt. Eleazar sa publiko na huwag balewalain ang bagong approach para ma-control ang firecrackers sa panahon ng Christmas Season.
Facebook Comments