Manila, Philippines – Halos wala nang sarahan ang ilang pwesto sa Divisoria isang araw bago ang Bagong Taon.
Kanina kasi mag aalas-kwatro na ng madaling araw nananatiling bukas ang karamihan sa pwesto sa Divisoria lalo na yung nasa labas.
Ayon sa ilang nagtitinda bago palang mag Pasko ganito na ang sitwasyon dito dahil sa halos walang patid na pagdating ng tao.
Patok ngayon ang mga torotot na mabibili sa halagang 20 piso hanggang 50 pesos.
Ang ganitong klaseng torotot ay mas mahal ng malayo sa Bocaue, Bulacan na may presyong 180 pesos.
Samantala, sa Divisoria namangha ang karamihan sa ni-recycle na torotot na gawa sa plastic at karton na kabibili na sa halagang piso kada isang piraso.
Kasunod nito unti-unti naman nagmamahalan ang mga bilog na prutas isang araw bago ang Bagong Taon.