Manila, Philippines – Apat na mga lungsod sa Southern Metro Manila, nag-anunsyo na ng total ban sa mga paputok.
Mahigpit nang ipagbabawal ang pagpapaputok sa lungsod ng Taguig, Muntinlupa, Las Piñas at Pateros para sa nalalapit na Bagong Taon, ito ay matapos mag-anunsyo ng total firecracker ban ang mga nabanggit na lungsod sa Southern Metro Manila.
Kaugnay nito, magsasagawa naman ng fireworks display ang Pasay City sa San Miguel Bay, Mall of Asia.
Sa Parañaque naman, isasagawa ang fireworks display sa: Solaire Resort and Casino, Entertainment City sa Barangay Tambo at Fountain View Deck Okada Manila.
Habang sa Taguig, ang fireworks display ay gaganapin sa Lakeshore sa C6, Lower Bicutan, at sa BGC.
Sa kabuuan, nasa 1, 618 ang mga pulis na nakakalat ngayon sa Southern Metro Manila para sa Oplan Ligtas Pasko 2017 ng Philippine National Police (PNP).