SALUDO | AFP, saludo sa lahat ng mga manggagawa ngayong Labor Day

Manila, Philippines – Saludo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lahat ng mga manggagawa lalo na ang mga OFW na siyang mga bagong bayani ngayong Labor Day.

Nanawagan ang AFP sa mga grupo na nasa labor sektor na gawing mapayapa at maayos ang mga gagawing aktibidad ngayong araw.

Ang kanilang Joint Task Force-NCR at magpapakalat din ng mga tropa para suportahan ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapanatili ng seguridad sa Metro Manila.


Maging sa mga probinsya ay katuwang din ng PNP ang AFP sa pagtugon sa mga anumang banta.

Facebook Comments