Sam Concepcion, umapela na tigilan na ang pamba-bash sa kaniya

Umapela ngayon ang singer na si Sam Concepcion sa mga netizens na tigilan na ang pamba-bash sa kaniya sa social media.

Nabatid na nagsimula ang pambabatikos at pagmumura sa kanya ng isang basher dahil sa pagiging malapit niya kay Nadine Lustre.

Dahil dito, hindi pinalampas ni Sam ang pambabastos sa kanya ng netizen kung saan mariin niya itong kinondena.


Buwelta niya, walang karapatan ang netizen na murahin siya dahil lang sa pagiging magkaibigan nila ni Nadine.

Nanindigan din si Sam na hindi niya hahayaang maapektuhan ang pagiging magkaibigan nila ni Nadine dahil lang sa hindi gusto ng ibang tao at saka iginiit na malapit din niyang kaibigan ang boyfriend nito na si James Reid.

Facebook Comments