Sam Milby, hindi nagmamadali na mag-settle down kasama ang longtime girlfriend nito

Manila, Philippines – Ayaw daw ng singer / actor na si Sam Milby na ma-pressure hinggil sa pagpa-plano nito sa pagse-settle down sa kaniyang buhay.

Ayon sa 33 years old na si Sam, dalawang taon mula ngayon ay nakikita na daw niya na masaya siya sa buhay pamilya kapiling ang babaeng mahal niya kung saan kasalukuyan nitong girlfriend ang Filipino-British model na si Mari Jasmine.

Nabatid kasi na karamihan sa mga kaibigan ni Sam tulad ni John Prats ang masaya na sa buhay pamilya kaya’t natatanong ito minsan kung kailan ba siya lalagay sa tahimik.


Sa ngayon, ini-enjoy muna daw niya ang kaniyang career at ang lovelife at mauuuna daw ang kaniyang mga fans na malaman kung ready na siyang mag-propose sa kaniyang girlfriend.

Facebook Comments