Manila, Philippines – Naglabas ng sama ng loob si Baron Geisler sa actress na si Nadia Montenegro.
Ito ay dahil sa hindi pa ibinabalik ang sasakyan na kaniyang ipinapabenta sa aktres.
Ayon kay Baron, mahigpit ngayon ang kaniyang pangangailangan sa pera dahil gagamitin niya ito sa pambayad sa multa niya sa PAL express na P50,000 dahil sa paninigarilyo noon sa eroplano.
Dagdag pa ni Baron, dapat na mabayaran niya ang nasabing multa ng hanggang Disyembre 5 para hindi siya makulong.
Sinabi pa nito na ang nasabing sasakyan ay matagal na niyang ipinapabenta subalit hindi na niya makontak ang actress at tila nai-block na siya nito.
Hanggang sa ngayon ay wala pa din komento si Nadia hinggil sa mga paratang ni Baron.
Facebook Comments