Manila, Philippines – Kahit na palabas na ng bansa ang Bagyong Urduja kanselado pa rin ang ilang domestic flights ngayong araw, December 19, Martes.
Ito ay dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.
Sa abiso ng MLA International Airport Authority (MIAA) kabilang sa kanselado ang byahe Cebgo partikular ang DG 6111/6112 Manila-Naga-Manila.
Kasunod nito pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flight na makipag-ugnayan sa nabanggit na airline company para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.
Facebook Comments