SAMA NG PANAHON | Mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-ulan sa Visayas at Mindanao, dumami pa

Manila, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa dating mahigit labing walong libong pamilya apektado ng patuloy na pag-ulan ay umaabot na ito ngayon sa halos 30 libong pamilya.

Ang mga pamilyang ito ay na-monitor sa 228 mga Barangay sa Region 5, 6, 7, 10 at Region 11.


Sa bilang ng mga pamilyang apektado, 349 pamilya ay nanatili ngayon sa 11 evacuation centers.

Sa ngayon ay aabot na sa halagang mahigit 219,000 na mga food packs ang naitutulong na sa mga pamilyang apektado ng pagulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao dulot ng nararanasang tail end of a cold front.

Facebook Comments