SAMA NG PANAHON | Mga pasahero sa mga pantalan sa Bicol, istranded

Bicol, Philippines – Nasa 289 na mga pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol Region, makaraang maglabas ng gale warning ang PAGASA bunsod epekto ng hanging amihan sa bansa.

Base sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), mula sa pantalan sa Legaspi, Albay, nasa 133 ang mga stranded passengers.

Habang sa Pasacao, Camarines Sur naman ay nasa 156 ang mga pasahero.


Kaugnay nito, tiniyak ng PCG, na patuloy ang ipinatutupad nilang HPCG Memorandum Circular Number 02 -13 o ang guidlines sa pagbyahe tuwing may sama ng panahon sa bansa.

Facebook Comments