Ganap nang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang tropical depression Ineng ay huling namataan sa layong 975 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay na nito ang lakas na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 70 kph.
May bilis itong 10 kph at kumikilos pahilaga.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – hindi naman inaasahang tatama ng kalupaan ang bagyo.
Pero good news, hindi nito palalakasin ang hanging habagat.
Ngunit bad news, mataas ang posibilidad na lumakas pa ang bagyo at maging tropical storm.
Ang trough o buntot ng bagyo ay magpapaulan sa katimugang bahagi ng Luzon.
Sa Visayas, may kalat-kalat na pag-ulan lalo na sa Panay, Cebu, Samar at Leyte.
Ang silangang bahagi ng Mindanao ay magkakaroon din ng mga pag-ulan.
Samantala, ang hanging habagat naman ay magdadala lamang ng mga pag-ulan sa extreme northern Luzon.