SAMA NG PANAHON | Namatay dahil na patuloy na pag-ulan sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, umabot na sa 16 – NDRRMC

Manila, Philippines – Umakyat na sa 16 katao ang nasawi dahil sa patuloy na pag ulan sa Visayas at Mindanao epekto ng nararanasang Tail End of a Cold Front na nagsimula noong araw pa ng Sabado.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan, karamihan sa nasawi ay biktima ng Landslide o pangguho ng Lupa.

Apat sa mga ito ay mula sa Tacloban City, apat mula sa Compostella Valley, dalawa sa Pangar Lanao Del Norte, tatlo sa Camarines Norte, isa sa Silvino Lobos Northern Samar, isa rin sa Catarman Northern Samar at isa rin sa Caramoan.


Halos 80,000 katao na rin ang naapektuhan ng Tail End of a Cold Front kung saan walong libo dito ay nanatili pa rin sa Evacuation Centers.

Facebook Comments