Samahan ng electric cooperatives, umaksyon na sa utos ng ERC na alalayan ang power consumers sa panahon ng pandemya

Tiniyak ng isang samahan ng mga kooperatiba ng elektrisidad sa bansa na susunod ito sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito’y kaugnay ng pagbibigay ng grace period at installment scheme sa mga power consumer habang umiiral ang community quarantine.

Sa isinagawang Joint Congressional Energy Commission, nagdesisyon ang nasa 121 electric cooperatives sa ilalim ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (PHILRECA) na palawigin ng mula apat hanggang anim na buwan ang pagbabayad sa konsumo ng kuryente depende sa restriction category sa kanilang lugar.


Ayon sa PHILRECA, inimpormahan na rin ang kanilang mga member-consumers sa kanilang iniaalok na amortization payment scheme.

May option ang consumers kung magbabayad ng kumpleto o paunti-unti o staggered basis.

Wala ring mangyayaring penalty o pagputol ng suplay ng kuryente sa loob ng extended period.

Nagbukas ang PHILRECA ng consumer welfare desks para tanggapin ang mga katanungan o reklamo patungkol sa mga billing statement.

Idinagdag ng PHILRECA na makakaasa ang ERC na nakasuporta ito sa lahat ng direktiba, alang-alang sa kapakanan at interes ng publiko na kumokunsumo ng kuryente.

Facebook Comments