Samahan ng LGU Buldon at DepEd mas pinapalakas

Bisita kahapon ng LGU Buldon si Maguindanao 2 Division Superintendent Bai Alibai Benito kasabay ng isinagawang programa kasama ang mga guro mula East at West District.

Dumalo rin sa aktibidad sina Buldon Mayor Abolais Manalao at Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan na kapwa nagpaabot ng pagsuporta sa mga inisyatiba ng Department of Education.

Layun ng aktibidad ay upang palakasin pa ang samahan ng mga guro at ng LGU na matugunan ang mga simpleng pangangailangan ng departamento.


Matatandang matagal ng hinihimok ni Mayor Manalao ang kanyang mga kababayan na isa ang edukasyon na makakatulong para tuluyang maibsan ang kahirapan ng isang pamayanan.

Kaugnay nito , bilang pagbibigay ng pagkilala sa mga nagtatapos na mga mag- aaral mula sa Buldon , binibigyan ng parangal at kundi man inaalok ng trabaho ng LGU ang bawat istudyanteng nagtapos sa kolehiyo.

Facebook Comments