SAMAHAN NG MANGANGALAKAL, BUBUUIN SA POZORRUBIO

Nananawagan ang Pozorrubio Municipal Environment and Natural Resources Office sa mga kasapi ng informal waste sector upang maging bahagi ng bubuuing Waste Workers Alliance.

Bukas ito para sa mga mangangalakal, recyclers, bumibili ng bakal, bote at scrap at traders na magiging kasapi ng Municipal Solid Waste Management Board na bubusisi sa segregation at sorting ng basura upang mapababa ang basurang ibinabagsak sa sanitary landfill.

Kalakip ng pagiging miyembro ang handog na livelihood programs, assistance at pagiging katuwang lokal na pamahalaan.

Ang naturang inisyatiba ay estratehiya na mapamahalaan ang basura habang nagbibigay ng dagdag kita sa mga manggagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments