Samahan ng mangingisda, nagkilos protesta sa labas ng Chinese consulate sa Makati

Nagkilos protesta ang mga grupo ng ng mangingisda sa harapan ng Chinese consulate sa lungsod ng Makati ngayong umaga.

Ipinoprotesta nila ang nangyaring water canon incident sa mga supply boat ng bansa.

Panawagan nila sa kanilang kilos protesta na respetuhin at bigyang kalayaan na maglayag ang mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).


Lalong-lalo na anila ang mga aktibidad kaugnay sa pangingisda.

Kinokondena nila ang pinakabagong insidente ng water canon sa WPS.

Dala-dala ng mga militanteng grupo ang placard na may nakalagay na ‘China layas, amin ang Pinas’.

Panawagan din nila sa gobyerno na dapat magbayad ang China sa pagsira nito ng mga yamang dagat ng bansa sa may WPS at patuloy nilang pamamalagi sa WPS.

Facebook Comments