Inamin ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mas lumalim pa ang relasyon ng Manila at Beijing, China magmula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa.
Kasunod ito ng pagsasampa ng bagong diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China kung saan iginigiit ang nananatiling presenya ng China sa West Philippine Sea na kabilang sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Sa isang virtual forum, sinabi ni Xilian na magmula noong 2016 hanggang ngayong taon ay nananatili pa rin ang peace at friendship ng naturang lugar.
Habang patuloy rin aniya ang magandang pangangasiwa sa mga pinagtatalunang teritoryo para sa kapakanan ng dalawang panig.
Facebook Comments