Nagpahayag ng suporta ang iba’t-ibang asosasyon ng mga doktor at ospital sa bansa sa paglaban ng Department of Health (DOH) sa COVID-19.
Sa harap ito ng panawagan ng ilang senador sa pamamagitan ng resolusyon sa Senado na humihiling ng pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa isang joint statement ng Philippine Medical Association, Philippine Hospital Association, Private Hospital Association of the Philippines at Philippine College of Hospital Administrators, nakasaad na nauunawaan nila ang nararamdaman ng mga senador at maging ng iba pa sa paghahangad na matapos na ang krisis sa COVID-19.
Natural din, anila, ang paghahanap ng kasagutan at solusyon ng DOH sa pandemic.
Tiniyak din ng mga samahan ng medical practitioners na mino-monitor nila araw-araw ang laban sa COVID-19 at regular silang nakikipag-ugnayan sa DOH.
Ipinaliwanag ng mga ito na ang desisyon ng kalihim ng DOH ay bunga ng lahat ng efforts mula sa mga pribado at mga eksperto mula sa gobyerno.
Kasama sila umano sa PMA, PHA, PHAPi at PCHA ay tiwala kay Duque bilang kalihim ng DOH.
Katunayan sa score na 1-10 ay binibigyan nila ito ng perfect 10 na score sa pag-handle ng COVID-19 situation sa limitadong resources na mayroon ang bansa ngayon.