Samahan ng mga Alkalde sa Maguindanao mas lalo pang pinapalakas

Isinagawa noong araw ng sabado ang First General Meeting ng League of the Municipalities in Philippines o LMP- Maguindanao Chapter sa Davao City.

Pinangunahan mismo ang pagpupulong ni LMP President at Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura kasama ang halos lahat ng Alkalde sa lalawigan.
Ilan sa mga natalakay ay ang LMP Programs and Projects, paggawa ng Constitutions and By Laws, mga isyu at paano maresolba ang mga problema sa ibang munisipyo.

Sinabi ni Mayor Mastura, mas palalakasin ng mga ito ang samahan ng mga bayan sa probinsya upang mapadali ang implementasyon ng bawat proyekto.


Ayon naman kay MILG Provincial Director Engr. Amina Dalandag na dapat sumailalim ang lahat ng Chief Executive ng Incident Command System o ICS Training and workshop for Executive upang may dagdag na kaalaman ang mga ito sa pagmanage ng Natural and Human Induced Calamities.
Nauna na ring inihayag ng mga alklakde ng Maguindanao na suportado nila ang mga adbokasiya ni LMP President Mastura at ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu lalo na kung sa ikakaunlad ng bawat bayan at ng buong lalawigan.
RBD PIC

Facebook Comments