Samahan ng mga Dating Milisyang Bayan at Supporter ng NPA, Binuo

12

*Cauayan City, Isabela- Nabuo ang *Daragutan West Agricultural Farmers Association (DWAFA) sa bayan ng San Mariano, Isabela sa tulong ng 95th Infantry Battalion ng 5thID, Philippine Army.

Ito ay organisasyon ng mga magsasaka ng Daragutan West sa nasabing bayan kung saan ang mga miyembro ay mga dating Militia ng Bayan at taga-suporta ng teroristang grupong NPA.


Si Efren Abianares na dating pinuno ng DAGAMI o ang Danggayan Dagiti Mannalon iti Isabela ang itinalagang presidente ng samahan.

Ayon naman sa pamunuan ng 95IB sa pangunguna ni LTC Lemuel Baduya, ito ay kanilang susubaybayan para mairehistro sa DOLE gaya ng SARIFA na binubuo rin ng mga dating rebelde, MB at mga supporter.

Pinasalamatan naman ng naturang opisyal ang mga magsasaka dahil hindi sila tuluyang nagpalinlang sa DAGAMI at sa iba pang organisasyon.

Hinimok din ni LTC Baduya ang mga magsasaka na huwag mag-atubiling lumapit sa mga kasundaluhan at kapulisan upang kanilang malaman ang tamang impormasyon kaugnay sa Community Support Program sa nasabing barangay na layong maipa-abot ang serbisyo ng pamahalaan na nakalaan para sakanila.




Facebook Comments