Samahan ng mga magsasaka, pinaghihinay-hinay sa importasyon ng bigas ang gobyerno

May apela sa gobyerno si Rosendo So ng Samahang industriya ng Agrikutura o SINAG na maghinay-hinay na sa pag-aangkat ng bigas pagsapit ng oktubre.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni So na sa ngayon kasi ay nakikita nilang may paggalaw na sa presyo ng lokal na palay.

Maari kasi aniyang makaapekto sa presyo ng palay sa mga susunod na araw kapag nagpatuloy ang importasyon ng bigas.


Posibleng mauwi ito sa pagkalugi ng mga lokal na magsasaka dahil hindi sa kanila bibili ng produce ang mga tao sa halip ay mas tatangkilikin ang imported rice.

Paliwanag ni So, kapag nahinto ang importasyon pagsapit ng Oktubre, talagang sa local farmers bibili ang mga local miller.

Magbibigay daan aniya ito para makabawi ang mga magsasaka.

Sa susunod na buwan ay magsisimula nang mag-ani ang mga magsasaka ng palay kaya makabubuti aniyang itigil na muna ang importasyon pagsapit ng panahong ito para mabilis na maibenta ng mga magsasaka ang kanilang aanihing palay.

Facebook Comments