Sunday, January 25, 2026

SAMAHAN NG MGA NANAY SA DAGUPAN CITY, GUMAWA NG MGA RECYCLED CHRISTMAS TREES

Pagdating sa Christmas decorations, no budget? No problem — dahil kayang-kayang solusyunan ito ng mga malikhain at maabilidad na mga nanay.

Sa Dagupan City, isang samahan ng mga nanay ang nagsama-sama at nagpaligsahan sa paggawa ng recycled Christmas tree na naging sentro ng kanilang pagtitipon noong December 14, 2025 sa Dagupan City Plaza.

Ang samahang “Maaron Ina,” na binubuo ng mga nanay mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, ay nagpakita ng kani-kanilang talento sa pagdisenyo ng mga Christmas tree na gawa sa upcycled materials tulad ng seashells, plastic wrappers, bote, lumang tela, at iba pang recyclable na gamit.

Sa huli, naiuwi ng mga miyembro ng Maaron Ina mula sa Barangay Mamalingling ang kampeonato matapos humanga ang mga hurado sa kanilang makulay na disenyo na likha mula sa plastic straws, fishnet, papel, at iba pang reused materials.

Facebook Comments