Samahan ng mga pribadong paaralan, ikinatuwa ang pagiging bahagi ng FAPSA sa TWG para sa voucher extension sa elementarya

Ikinagalak ng grupong Federation of Association of Private School Administration (FAPSA) na nagsimula nang makinig sa kanila ang political leaders sa panawagan ng Private School Administrators na palawigin pa ang mga biyaya ng GASTPE para sa elementarya.

Ayon kay FAPSA President Eleazardo Kasilag, napagtanto na ang FAPSA ang kauna-unahang grupo na humiling ng subsidiya na ipakalat sa pre-school at elementarya kahit sa pagdating ng K to12 curriculum ng Department of Education (DepEd).

Paliwanag ni Kasilag, nanindigan ang FAPSA sa pagpapalawig ng subsidiya at umapela sa gobyerno na tugunan ang problema ng siksikan ng mga mag-aaral sa sistema sa pampublikong paaralan at bigyan ng ayuda ang mga pribadong paaralan dahil maraming mga estudyante sa mga private school ang nagsisipaglipatan na sa mga pampublikong paaralan dahil sa libreng matrikula, at banta ng mga guro mula sa pribadong paaralan na lumilipat sa public schools dahil sa mataas na sahod.


Naniniwala si Kasilag na ang magsasakripisyo rito ay ang kalidad ng edukasyon na napatunayan na kung saan ang mga estudyante sa high school ay nahihirapang magbasa maging ang problema sa taunang hinihiling para sa school buildings, mataas na bayarin, karagdagang mga libro at iba pa.

Giit pa ni Kasilag na hinihiling ng mga pribadong paaralan na magdagdag ng bayarin sa matrikula o kaya’y magsasara na lamang sila dahil sa kakapusan ng kita na pampayad sa mga guro at iba pang mga gastusin.

Facebook Comments