Mariing tinututulan ng Federation of Association of Private School Administration o FAPSA ang tinatawag na Academic Freeze, pansamantalang pagtigil ngayong School Year dulot ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic, kung saan namuhunan ng malaking halaga ng pera bilang paghahanda.
Ayon kay FAPSA President Eleazardo Kasilag, wala nang atrasan pa ang mga private schools na handa upang harapin ang new normal at kahit na gawing mas mabuting normal.
Paliwanag ni Kasilag, sinimulan na nila at sumunod sila sa Department of Education Protocols pero tutol umano ang FAPSA para sa Freezing, kung saan hindi dapat aniya minamaliit ang kapasidad, pagiging malikhain, at kakayahan ng mga Pilipino.
Giit pa ng Presidente ng FAPSA na ang 300,000 signatures para sa Academic Freeze group ay hindi nagrerepresenta ng 24 million na handa ng mag klase bukod pa sa nasisiyahan na ang mga mag-aaral sa online schooling.