Samahan ng mga sugar worker, pinalagan ang planong mag-angkat ng mahigit 65,000 na metriko toneladang asukal

Tutol ang isang grupo ng mga sugar worker sa minamadaling pag-aangkat ng mahigit 65,000 metric tons ng asukal.

Ayon kay John Milton Lozande, secretary general ng National Federation of Sugar Workers, walang dahilan para mag-import pa ng asukal dahil papasok na ang anihan ng tubo.

Aniya, sa kanilang pagtiyak ay ito ay peak ng harvest season kung kaya’t tiyak na magkakaroon ng sapat na suplay para sa domestic consumption.


Giit ni Lozande, kung gusto ng pamahalaan na maibaba ang presyo ng asukal dapat ay magtakda ang pamahalaan ng price cap sa sugar prices.

Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagmamanipula ng mga mapagsamantalang sugar traders kung saan karamihan sa mga ito ay mga may-ari ng malalaking sugar plants at milling.

Hirit ng grupo, dapat ay suportahan ng gobyerno ang mga maliliit na sugar planters.

Aniya, matutulungan ang mga ito kung mabawasan ang cost of production sa pamamagitan ng pagkakaloob subsidy sa fertilizer at fuel purchases.

Facebook Comments