Samahan ng mga Sultan mas palakasin pa!- Sultan Pax

Magkaisa at suportahan ang kampanya at adbokasiya ni Presidente Rody Duterte. lan lamang ito sa naging mensahe sa isinagawang State of the Confederation Address ni Executive Chairman, His Royal Highness Sultan Omar Pax Mangudadatu ng Confederation of the Royal Sultanates of Mindanao at Gobernador ng Sultan Kudarat.

Hinihikayat rin ni Sultan Pax ang lahat ng mga sultanato mula sa ibat ibang bahagi ng Mindanao na mas palakasin pa ang kanilang samahan alang alang na rin sa kapakanan ng kanilang mga kababayan.

Kaugnay nito, kapwa nagpaabot rin ng kanilang pagsuporta kay Sultan Pax ang lahat ng mga myembro at opisyales ng CRSM kasabay ng isinagawang 1st General Assembly na isinagawa sa Gym ng Provincial Capitol sa Isulan Sultan Kudarat.


Bisita sa okasyon ang former DILG Undersecretary Wencelito Andanar at former Tarlac Governor *Margarita “Tingting” Cojuangco* , Sultan Kudarat Congressman Teng Mangudadatu at maybahay nitong si Datu Abdullah Sangki Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Photo: RB

Facebook Comments