Samahan ng mga truckers, nagsagawa ng caravan sa harapan ng LTFRB

Manila, Philippines – Nagdulot ng matinding daloy ng trapiko kanina ang ginawang caravan ng mga Truckers Association sa harapan ng LTFRB.

Ayon kay Teddy Gervacio presidente ng Inland Haulers and Truckers Association layon ng kanilang isinagawang caravan ay upang iparating sa pamunuan ng LTFRB at DOTr na huwag ituloy ay planong phase out sa mga 15 years old na trak na bumabiyahe pa sa EDSA.

Paliwanag ni Gervacio hindi naman umano lumang-luma ang kanilang mga trak at bukod dito ay galing sa Japan ang kanilang mga trak na hindi naman nakalilikha ng polusyon.


Matatandaan bukod sa mga pampasaherong jeep plano rin ng LTFRB na iphase out ang mga trak na may edad 15 taon pababa kung saan mariing inalmahan ng mga Truckers Association dahil pakikinabangan pa umano ang kanilang mga trak.

Bukod sa ilang mga Transport group na nagsagawa ng caravan kamakailan umalma na rin ang mga samahan ng Truckers Association at nagsagawa ng caravan sa LTFRB na lumikha na pagkabagal ng daloy ng trapiko sa lugar.

Facebook Comments