Samahan ng pribadong ospital, nag-rekomenda ng susunod na kalihim ng DOH

Naniniwala ang Private Hospitals Association of the Philippines Incorporation (PHAPi) na mahalagang mapangalanan na ang susunod na kalihim ng Department of Health (DOH) bago pa man mag-umpisa ang administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PHAPi Pres. Dr. Jose Rene de Grano, na umaasa ang hanay ng medical community na ang pipiliin ni Marcos ay isang taong makatutulong sa mga doktor, ospital at iba pang healthcare facilities.

Inirekomenda naman ng samahan ng mga pribadong ospital para maging susunod na Health Secretary si Dr. Ted Herbosa.


Si Herbosa ay special adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Ayon kay De Grano, inendorso rin si Herbosa ng iba pang mga ospital at maging ng Philippine Medical Association (PMA).

Pero nasa incoming president pa rin naman aniya ang desisyon kung sino ang pipiliin nitong mamumuno sa DOH.

Facebook Comments