Samahan ng trucker, umaapela sa MMDA na huwag munang ibalik ang truck ban

Iaapela ng grupong Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagliban sa pagpapatupad ng truck ban sa EDSA.

Ayon kay Ruperto Bayocot, pinuno ng CTAP, magsu-sumite sila ngayong araw ng sulat sa MMDA upang hilingin ang pagpapatigil ng truck ban.

Giit ni Bayocot, dapat kinonsulta muna siya bago magdesisyon ang MMDA na ibalik ang truck ban.


Apela pa ng CTAP, sana magkaroon na lang sila ng isang lane sa EDSA para makapaghatid agad ng produkto.

Hindi umano sila ang dahilan ng traffic sa mga pangunahing lansangan lalo’t sumusunod sila sa mga lane na inalaan para sa truck.

Paniniwala ng grupo, muling babalik ang port congestion sa mga pantalan tulad sa lungsod ng Maynila ngayong babagal muli ang usad ng produkto dahil sa truck ban.

Facebook Comments