Samahan ng truckers, nanawagan para sa mas mabilis na pag-usad ng pila sa container terminal

Iginiit ng Confederation of Truckers Association of the Philippines o CTAP, na umaabot na ng kilo-kilometro ang haba ng pila ng mga truck para sa Designated Examination Area o DEA ng Manila International Container Terminal.

Bunga nito, apektado na ang daloy ng trapiko sa magkabilang panig ng Roxas Blvd. at Mel Lopez Blvd. o dating Road -10.

Ayon kay Mary Zapata, pangulo ng CTAP at ng Aduana Business Club, nauunawaan nila ang hakbang ng Bureau of Customs (BOC) sa mahigpit na inspeksyion at mabantayan ang border laban sa mga kontrabando o mga smuggled goods.


Gayunman, kailangan din aniyang balansehin at hindi maisakripisyo ang iba pa nilang trabaho tulad ng pagpapabilis ng trade facilitation.

Sa bagal aniya ng proseso sa designated examination area ng MICT,  lumilikha na ito ng karagdagang gastos tulad ng sa storage, electrical at trucking expenses, bukod pa sa pangamba ng mahinto ang operasyon ng manufacturing firms.

Facebook Comments