Posibleng mauwi sa demandahan ang samahan nina Senador Manny Pacquiao at dati nitong trusted aide na si Jayke Joson.
Ito ay matapos akusahan ni Joson si Pacquiao na kumuha umano ng paunang bayad na P165 milyon para labanan si MMA fighter Conor McGregor na hindi naman natuloy.
Ayon kay Atty. Nikki de Vega, legal counsel at spokesperson ni Pacquiao, magsasampa sila ng kaukulang reklamo laban kay Joson kabilang na ang cyberlibel at estafa.
Pinabulaanan naman ni De Vega ang akusasyon at sinabing imbento lamang ito ni Joson.
Nitong nakaraang Hunyo, nagsampa ng multi-million dollar lawsuit ang Paradigm Sports Management laban kay Pacquiao dahil sa umano’y hindi pagtupad ng senador sa kontrata.
Sa pamamagitan ng Paradigm Sports, nagawa nilang ikasa ang laban ni Pacquiao kay McGregor sa Las Vegas.
Nakahanda naman si Joson na makipagdebate sa Pinoy boxing legend para mapag-usapan ang isyu.
Nagsimulang pag-usapan ang posibleng sagupaan nina Pacquiao at McGregor noong nakaraang taon matapos kumpirmahin ng magkabilang kampo na nagkakausap sila.
Pero noong Hulyo, si Justin Poirier ang nakaharap ni McGregor para sa UFC 264, habang si Yordenis Ugás naman ang nakalaban ni Pacquiao noong Agosto.