Ramdam sa ilang mga pamilihan dito sa probinsya ng Pangasinan ang kakulangan sa native na bawang at ang mga imported na bawang sa kanila ngayon ang mas mataas ang supply na siya namang kinumpirma ng Samahang Industriya ng Agrikultura at ngayo’y patuloy ang kanilang monitoring ukol dito.
Sa ngayon ang mga ibinebenta sa mga pamilihan ay mga imported na bawang na di hamak na mas mababa ang presyo kesa sa mga native na bawang.
Ayon sa mga bumibili ng bulto sa mga bagsakan market ay kaunti umano sa ngayon ang supply ng lokal na bawang maging sa ibang probrinsyang nagtatanim nito kaya naman hirap silang maglabas ng mga lokal na bawang dahil kulang ang supply na kanilang mga nakukuha at nabibili sa mismong mga nagtatanim nito.
Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, mababa sa ngayon ang suplay ng mga native na bawang dito sa bansa dahil kaunti na lang nagtatanim.
Kaya naman, mataas ang suplay ng mga imported ng bawang sa mga pamilihan sa probinsya at talaga namang mas kakagatin itong bilhin dahil sa mas mababa ang presyo nito kumpara sa native na bawang. |ifmnews
Facebook Comments