SAMAL, BATAAN ROAD CRASH | Guro patay, asawang seaman, kritikal

Samal, Bataan – Patay ang isang guro habang kritikal naman ang mister nitong seaman matapos na bumangga sa isang malaking puno ang sinasakyang kotse sa Barangay Sta. Lucia Samal, Bataan.

Sa inisyal na ulat ng PNP, dead on the spot ang elementary teacher na si Gloria Garcia, 40-anyos; at naipit naman ang kanang paa ng asawang si Joey Garcia, isang seaman, 40-snyod, sa minamanehong kotse matapos na tila latang nahati ang kotseng sinasakyan matapos salpukin ang isang puno ng Narra sa tabi ng isang sementeryo sa kahabaan ng national road sa bayan ng Samal.

Base sa report ng PNP, nanggaling sa isang family reunion ang mag-asawa bago ang mga ito ay masangkot sa isang malagim na trahedya nitong bisperas ng Bagong Taon.


Sinasabing kadadating lamang ng seaman na si Joey Garcia ng maimbitahang makisaya sa kanilang taunang family reunion sa isang resort sa bayan ng Orani.

Facebook Comments