Samantha Bernardo, kinoronahan bilang 1st runner-up sa Miss Grand International 2020

Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Samantha Bernardo ang first runner-up sa kakatapos lang na Miss Grand International 2020 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Habang nauwi ni Miss USA ang title na Miss Grand International 2020.

Sa top 3 at final question and answer portion, magaling at maganda ang naging sagot ni Samantha na pipiliin niya ang mga senior citizen na ibigay ang bakuna kontra COVID-19 dahil vulnerable sila ngayong pandemya.


Bago pa man ang coronation night, nangibabaw na ang ganda ni Samantha dahil sa national costume nito na inspired mula sa Philippine Eagle.

Kuminang pa mas lalo ang ganda ni Samantha dahil sa “gandara walk” nito sa pagrampa.

Samantala, itinanghal si Miss Guatemala bilang second runner-up, third runner-up naman si Miss Indonesia at fourth runner-up naman si Miss Brazil.

Matatandaan, noong 2016 nasungkit din ni Nicole Cordoves ang first runner-up sa nasabing international pageant.

Facebook Comments