Samantha Lo, nag-resign bilang Miss Grand Philippines 2019

Opisyal na ng nag-sign off si Samantha Ashley Lo bilang Miss Grand Philippines 2019, mahigit isang buwan matapos ang nasabing pageant.

Sa kanyang social media, ibinahagi nito sa kanyang mga fans ang pagtanggal niya sa kanyang korona na tanda ng kanyang opisyal na pagbibitiw.

Pinasalamatan ni Lo ang kanyang pamilya at lahat ng sumuporta sa kanya.


Nabatid na maagang tinapos ni Samantha ang pagganap bilang Binibining Pilipinas Grand International 2019, at nagbigay ng resignation letter sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI), kung saan sinabi niya na nais niyang tumahak ng ibang direksyon sa kanyang buhay na tinanggap naman ng mga organizer.

Naging kontrobersiya ang partisipasyon ni Lo sa pageant matapos maiulat na na-detain siya sa Paris dahil sa ilang aberya sa kanyang passport, bago siya makarating sa Venezuela para lumahok sa pageant.

Naglabas naman ng mga opisyal na pahayag si Sam at ang Binibining Pilipinas Charities Inc (BPCI) tungkol sa isyu, at itinanggi ng BPCI ang sinabi ng beauty queen na hindi umano ito nakatanggap ng tulong mula sa lokal na organizer nang ma-detain siya sa Paris.

Facebook Comments