Samar Pacific Coastal Road Project sa Northern Samar, pinasinayaan na

Pakikinabangan na ng mga residente ang “Samar Pacific Coastal Road Project”.

Kamakailan ay pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proyekto na inaasahang makatutulong sa mga residente sa lalawigan.

“With the opening of this road and its bridges, the development of Northern Samar’s rich agricultural lands and bountiful fishing grounds will follow suit,” ayon sa pangulo.


Sinimulan ang Samar Pacific Coastal Road project started noong 2018 sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pagtatapos ng proyekto ay sa ilalim naman ng “Build Better More” ng Marcos administration.

Ayon kay Marcos, natagalan ang proyekto dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ang 11.6-kilometer road project ay magdudugtong sa Simora at sa mga bayan ng Laoang, Palapag at Catubig.

“The completion of this key infrastructure initiative links the so-called ‘Pacific towns’ of Samar and establishes a circumferential road around the entire island connecting markets, industries, and communities,” ayon kay Marcos.

Sinabi ng pangulo na dahil sa nasabing proyekto, mas mapapabilis ang delivery at movement ng basic goods, mga serbisyo at mas mapagbubuti ang pagpapairal ng peace and order situation sa lalawigan.

Pinasalamatan naman ng pangulo ang Korean government sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Korea sa suporta para maisakatuparan ang proyekto.

Ayon sa pangulo, mayroon pang 21 proyekto sa bansa na popondohan ng Korean government.

Sa kaniyang panig, tiniyak naman ni Korean Ambassador Lee Sang-hwa, ang suporta ng kanilang pamahalaan sa Marcos administration.

Binanggit din ni Lee ang nakatakdang pagdiriwang ng 75th anniversary ng diplomatic ties  ng dalawang bansa sa susunod na taon.

Facebook Comments