“Same old problems,” kakaharapin ng higit 23 milyong estudyante

Kakaharapin pa rin ng nasa 23 milyong estudyante ang mga karaniwang problema sa pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ito kasabay ng pormal na pagbubukas ng school year 2019-2020 sa lahat ng public schools sa buong bansa.

Kabilang sa mga “same old problems” ay kakulangan sa classroom dahil sa pagtaas ng student population at iba pang basic education resources.


Sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla – hindi dapat itinuturing na “shortage” ang mga kakulangan sa basic education resources pero ito ay mga “requirements.”

Ani Sevilla – may budget para rito, pero apektado at naaantala dahil sa procurement processes.

Si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ay nakatakdang bumisita sa Signal Village National High School sa Taguig City para personal na tingnan ang sitwasyon sa pabubukas ng klase.

Inaasahang pupuntahan din ng kalihim ang Comembo Elementary School sa Makati.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Service and Field Operations Jesus Mateo – nasa 27,216,398 estudyante ang inaasahang papasok sa pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng basic education level.

Nasa 22.8 million na estudyante ang naka-enroll sa public; 4.2 million sa private at higit 158,000 sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).

Facebook Comments