Same sex marriage, hindi sinangayunan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya sang-ayon sa pagpapatupad ng same sex marriage sa bansa.

 

Taliwas ito sa naging pahayag ng Pangulo noong kampanya kung saan sinabi niyang bukas siya sa posibleng pagpapatupad nito.

 

Paliwanag ni Duterte, wala siyang problema sa kung anong kasarian ng isang tao.

 

Pero aniya, may sinusunod na batas sa Pilipinas na nagsasabing ang kasal ay maaari lang gawin sa pagitan ng lalaki at babae.


Facebook Comments